Marami ang nagsasabi na dapat daw ay ganon ang dapat gawin dahil may mga pangyayari daw na nag-aaway sila dahil minsan ay pinag-aagawan nila ang mga bagay. ang kadalasang ginagawa ng magulang ay pinag-iiba nila ang kulay pero parehong gamit padin tulad ng damit, sapatos at pati nadin sa mga laruan.
May pamahiin daw na kapag ang nagbubutntis ay kumain daw ng kambal na saging ay magiging kambal ang magiging anak nito. para daw maiwasan ay dapat paghiwalayin ang saging sa kanyang likuran. pero gano ito katotoo? may mga makapag sasabi ba na ito ang paraan para magkaanak ng kambal?
Mga mga nagsasabi din na kapag ang anak niyo ay kambal, makapagdudulot daw ito ng swerte sa pamilya. hindi madali ang magpalaki ng dalawang sanggol ng sabay pero bilang magulang nakapagbibigay ito ng saya sa kanila pati na sa mga kamag-anak.
Para sa mga nagbabalak nang bumuo ng pamilya, kung kayo ang papipiliin sa pagkakaroon ng anak ay kambal o hindi? ano man ang naisin nyo, kung ano ang nakalaan para sa inyo ay ipagpasalamat nalang sa panginoon. ang pagkakaroon ng anak ay malaking blessing na, pano pa kaya kung ito ay dalawa agad.
ang aking ina at kanyang kakambal(tita)
isa pang litrato nilang dalawa
No comments:
Post a Comment