Naranasan nyo na ba na mahulig sa timba na may lamang tubig ang inyong cellphone? o kaya naman ay sa kanal, at isa sa mga pinaka malubhang pwede mangyari ay mahulog ito sa inidoro pagkatapos mong maglabas ng sama ng loob.
Siguro kahit naman sino sa oras nang krisis na ito ay hindi na tayo mag iisip kung dadakutin ba natin ito agad o hindi at baka sakaling maisalba pa ang iyong mamahaling gadget.
wag muna tayo mataranta at mag isip ng kung ano ano sa ngayon ang main priority mo ay ang pagsalba nito.
Pero ano nga ba ang mga dapat nating gawin kapag ito ay nangyari na.
Una. Wag mo muna subukang i-turn on at baka masira o mag short circuit ang board ng cellphone mo.
Pangalawa. Punasan ng twalya o kaya naman ay tissue na makikita sa loob ng inyong banyo.
Pangatlo. Kung removable ang battery mo, Kalasin ang takip at alisin ang baterya, simcard at memory card ng iyong cellphone at punasan ulit ang mga visible na tubig na makikita mo. wag mo aalugin at baka kumalat pa sa ibang parte ang tubig at lalong lumiit ang tyansa mo ito ay gumana pa o kaya naman ay mag malfunction.
Pano mo malalaman kung nagka-damage sa tubig ang iyong cellphone. tignan mo ang loob ng cellphone mo at may makikita kang kulay puti na hugis bilog o kaya naman ay square. kapag ito ay nag pink o kaya naman pula ay siguradong na damage na nga ito ng tubig.
eto ang example ng na damage ng tubig. ang cellphone ko na nahulog sa inidoro hehe.
article: ang mahalimuyak na cellphone
Pang Apat. ilagay sa maliit na bag o kaya naman ay mangkok na may lamang bigas at ilubog ang cellphone dito. mag intay ng isa hanggang dalawang araw maximum bago ito hanguin. wag ka maiinip at tangkaing buksan ito at baka may tubig pang natitira sa loob. hayaang sipsipin ng bigas ang tubig. pwede mo ding ilagay ang cellphone sa bahaging ito ay medyo maiinitan ng araw para mas mapabilis ang pagpapatuyo.
Pagkatapos ng isa o dalawang araw. subukang i-turn on. kung mag on naman ay obserbahan maigi kung ito ba ay nag pa-function ng maayos. kapag may napansin ka ay dalin ito sa authorized dealer ng mapaayos kung pasok pa ito sa warranty. kung hindi naman ay sa mga cellphone technician at sabihin kung ano ang nangyari at ano ang iyong ginawa.
Ang tips na ito ay ayon sa aking naranasan at ginawa noong ma expirience kong mahulog ang cellphone ko sa inidoro. maaring pwede sa inyo at maaring hindi. pero bukod sa lahat at ipanalangin nalang natin na wag itong mangyari.
salamat guys :)
Paano po kapag nagchacharge pero di nag oopen naglilight Lang Yung ilaw sa taas
ReplyDeletePaano po Kung built in Ang battery
ReplyDeletePano kung nag oon sya pero walang sound
ReplyDeletesame
DeletePaano yong built in ung battery??and ung camera ko, wala na camera failed na, ang sabi nila baka nag short circuit na daw,may chances pa ba na ? Maayus ang front cam ko?? Back cam okay naman po
ReplyDeleteSame den po sa akin. How to fix po
DeletePaano po kapag nagchacharge pero di nag oopen naglilight Lang Yung ilaw sa taas
ReplyDeletePaano ho pag hindi nabubuksan yung back para makita ang likod?
ReplyDeleteBuilt in ung battery?
ReplyDeletePaano kung nag pula nga . May depekto . D na ba yun ok ??
ReplyDelete