Hello guys kwento ko lang yung nangyari kahapon habang ako ay nasa banyo.
pagkatapos kong gawin ang dapat gawin (ang pagtae) ay nahulog ang cellphone ko at na-shoot sa inidoro.
pero syempre dahil sa katarantahan at wala nang oras para mag isip ay dali-dali kong dinakot wala pang limang sigundo ang lumipas at nilinis ang nangangamoy kong cellphone. maiyak iyak ako habang ito ay pinupunasan at habang nilalanghap ang mahalimuyak na amoy nito.
naisip ko na sana ay nakapag flush manlang ako bago ito nahulog..
pagkatapos kong linisin ay binaklas ko ang cover sa likod, tinanggal ang sim pati na ang memory card at nananalangin na sana gumana pa ulit pagkatapos kong patuyuin.
dumaan ang isang buong araw at hindi ako mapakali sinubukan kong buksan ang medyo nangangamoy at mahalimuyak kong cellphone at swerte nga naman ito ay gumana pa. ang laking tuwa ko dahil halos limang buwan palang unit ko na yon at brandnew ko pa binili.
Moral Lesson:
Wag na mag bit-bit ng Cellphone sa banyo kung hindi naman ito kaylangan at lalo na kung may kamahalan para maiwasan ang mga di inaasahang pangyayari.
ayon tapos na hehe :)
No comments:
Post a Comment