Tuesday, January 17, 2017

Adobong Pakpak ng Manok

Ang Adobo ay isa sa mga popular na pagkain o tradisyunal na lutuing pinoy. Maraming klase ang adobo pero sa blog ko na to ay ituturo ko paano magluto ng Adobong Pakpak ng Manok.

Ang mga pilipino kahit saan man sulok ng mundo mapunta ay tiyak na nagluluto parin sila ng adobo. Importante sa atin ang makilala at pagyamin ang mga lutuing sariling atin para makatulong sa pagpapanatili at papasa ng ating kultura.

Mga kailangan sa Adobong Pakpak ng Manok

10-12 pirasong Pakpak ng manok
1/2 tasa ng Toyo o ayon sa dami ng gusto mo
1/2 tasa ng Suka o ayon sa dami ng gusto mo
Bawang (crushed)
Sibuyas (sliced)
Pamintang buo
Mantika

Tagal ng Pagluluto 45 minuto hanggang 1 oras

Paraan ng Pagluluto

I-Marinate ang Pakpak ng manok. Ilagay sa isang Bowl at Ilagay ang toyo, suka, bawang, sibuyas at paminta. Patagalin ng ilang minuto bago lutuin.



Kapag Na-Marinate na sya ay ilagay na sa Frying pan at hayaang kumulo, kapag napansin mo na medyo natutuyo na ang Sabaw ay lagyan ng mga nasa dalawang kutasarang mantika at haluin. Hayaang maluto ng 15 minuto o kaya naman ay sa tingin mo ay pwede na.


I-serve at paghati-hatian ng buong pamilya. Enjoy :)

Please Share and Hit +1 Kung Nagustuhan Nyo Maraming Salamat :)

Monday, January 16, 2017

Usapang Balakubak o Dandruff

Kung saan saan na tayo naghahanap at nagtatanong paano nga ba maalis itong mga tipak-tipak na balakubak sa ating ulo, minsan pati na sa kilay, bigote at balbas lumalabas din ito. lahat ng klase na ata ng anti dandruff shampoo nagamit mo na pero ang pag dami hindi humihinto.



Ano ba ang kadalasang sanhi kaya tayo nagkakabalakubak? Ang common na sagot ay baka hindi daw kasi naliligo araw-araw at hindi madalas na pagsusuklay para maalis ito. may mga nagsasabi din na dulot daw ito ng stress? Dahil stress ka na nga sa trabaho pag uwi mo stress ka pa din sa bahay. sobrang build up na kaya dandruff na ang resulta.

Pero ano nga ba talaga ang problema bakit tayo may balakubak? kahit ako hindi ko alam hehe. Kapag napapansin nyo na napapadalas ang pagsulpot ng mga  balakubak ay ma alarma na kayo at siguradong lagi kang kakamot at mahihiyang lumabas ng bahay nyo.


Meron tayong mga pwedeng gawin para makontrol o kahit papano ay mabawasan ang pagkalat nito.

Unang una na siguro ang maligo araw-araw, kung malamig ang panahon at hindi kayang maligo ay mag init ka ng tubig wag mong katamaran ang pagligo kapatid. shampoo-hin mabuti ang inyong buhok patagalin ng mga limang minuto bago ito banlawan.

gumamit ng mga produktong anti dandruff at anti fungal shampoos tulad ng nizoral, gard, head and shoulders etc. karamihan sa mga ito ay naglalaman ng mga sangkap tulad ng ketoconazole, coal tar, green tea at tea tree oil.

huwag na magpuyat, matulog ng maaga, bukod sa wala ka nang dandruff wala ka pang eyebags.

wag masyado isipin ang mga problema, kung ikaw nga hindi iniisip ng problema tapos sya iisipin mo, hindi naman patas yon.

Sa loob ng isang linggo at patuloy padin ang pagdami ng balakubak sa ulo mo ay lumapit na sa mga eksperto, bibigyan ka nila ng mga tips at mas detalyadong paraan para gamutin ito.








Dapat gawin kapag nahulog sa tubig ang cellphone

Naranasan nyo na ba na mahulig sa timba na may lamang tubig ang inyong cellphone? o kaya naman ay sa kanal, at isa sa mga pinaka malubhang pwede mangyari ay mahulog ito sa inidoro pagkatapos mong maglabas ng sama ng loob.

Siguro kahit naman sino sa oras nang krisis na ito ay hindi na tayo mag iisip kung dadakutin ba natin ito agad o hindi at baka sakaling maisalba pa ang iyong mamahaling gadget.

wag muna tayo mataranta at mag isip ng kung ano ano sa ngayon ang main priority mo ay ang pagsalba nito.

Pero ano nga ba ang mga dapat nating gawin kapag ito ay nangyari na.

Una. Wag mo muna subukang i-turn on at baka masira o mag short circuit ang board ng cellphone mo.

Pangalawa. Punasan ng twalya o kaya naman ay tissue na makikita sa loob ng inyong banyo.

Pangatlo. Kung removable ang battery mo, Kalasin ang takip at alisin ang baterya, simcard at memory card ng iyong cellphone at punasan ulit ang mga visible na tubig na makikita mo. wag mo aalugin at baka kumalat pa sa ibang parte ang tubig at lalong lumiit ang tyansa mo ito ay gumana pa o kaya naman ay mag malfunction.

Pano mo malalaman kung nagka-damage sa tubig ang iyong cellphone. tignan mo ang loob ng cellphone mo at may makikita kang kulay puti na hugis bilog o kaya naman ay square. kapag ito ay nag pink o kaya naman pula ay siguradong na damage na nga ito ng tubig.

eto ang example ng na damage ng tubig. ang cellphone ko na nahulog sa inidoro hehe.

Pang Apat. ilagay sa maliit na bag o kaya naman ay mangkok na may lamang bigas at ilubog ang cellphone dito. mag intay ng isa hanggang dalawang araw maximum bago ito hanguin. wag ka maiinip at tangkaing buksan ito at baka may tubig pang natitira sa loob. hayaang sipsipin ng bigas ang tubig. pwede mo ding ilagay ang cellphone sa bahaging ito ay medyo maiinitan ng araw para mas mapabilis ang pagpapatuyo.

Pagkatapos ng isa o dalawang araw. subukang i-turn on. kung mag on naman ay obserbahan maigi kung ito ba ay nag pa-function ng maayos. kapag may napansin ka ay dalin ito sa authorized dealer ng mapaayos kung pasok pa ito sa warranty. kung hindi naman ay sa mga cellphone technician at sabihin kung ano ang nangyari at ano ang iyong ginawa.

Ang tips na ito ay ayon sa aking naranasan at ginawa noong ma expirience kong mahulog ang cellphone ko sa inidoro. maaring pwede sa inyo at maaring hindi. pero bukod sa lahat at ipanalangin nalang natin na wag itong mangyari.



salamat guys :)

Sunday, January 15, 2017

Chopsuey Mura na Masustansya pa

Halos lahat naman sa atin siguro ay nakakain na nang chopsuey. Ang chopsuey ay isang uri ng pagkain na gawa sa pinagsama samang gulay at sasamahan mo nalang ng karne mapa manok man,baboy o hipon.

Sa dami ng klase ng pagluluto ng chopsuey, ano ang pinakaamasarap na natikman nyo na? madami na din akong chopsuey na natikman gawa ng ibat ibang cook, o kaya naman ay carinderia. bukod sa mura na ay masustansya pa. para sa akin ang chopsuey na gawa ni nanay ang pinaka masarap.

Syempre sino ba naman ang di mag eenjoy sa ulam na luto ng ating ina. simula ng maliit pa tayo sya na ang naghahanda ng mga pagkain para sa atin sa hapagkainan, hindi lang sya basta ulam may halong pagmamahal pa di ba?.

Sa tuwing ito ang aking ulam paborito ko itong gamitan ng patis, talagang napaparami ako ng kain kapag ito ang ulam tapos nilalagyan pa nya ng gatas para maging creamy.

So bago ako matapos sa kwento ko ay ise-share ko sa inyo kung pano magluto ng simpleng chopsuey.

Mga Kailangan:

1/4 kilo Atay na manok
1 Carrot (Sliced)
1 Maliit na Cauliflower o 1 Maliit na Brocolli. hati-hatiin
1 Red belll pepper
1/4 Repolyo (quartered)
kaunting string beans
2 kutsarang Oyster Sauce
1 Bawang
1 Sibuyas
Asin at Paminta


Paraan ng Pagluluto:

Una. Magpakulo ng tubig, ilagay ang atay ng manok at asinan ng kaunti.

Pangalawa. Sa kawali, igisa ang bawang at sibuyas. Ilagay na ang atay ng manok at lagyan ng Paminta.

Mas masarap sana kung may sabaw ng  nilagang buto buto ng manok o kaya ng baboy para maging mas malasa pero okay lang naman kung wala.

Pang Apat. Isama sa gisa ang ang Carrots, String beans, Cauliflower o Brocolli (pwede din namang pareho).

Pang Lima. Kapag medyo half cook na sila ay ilagay na ang bell pepper at repolyo. lagyan nang kaunting tubig o sabaw at nang dalawang kutsarang Oyster sauce.

Pang Anim. Takpan at hayaang maluto ng ilang minuto.

I-serve at i-enjoy :)





Saturday, January 14, 2017

Olive Oil Panglinis ng Apdo

Apdo - ito yung maliit at maitim na supot na hugis peras na nakakabit sa ilalim ng atay at may mapait at berdeng likido na tumutulong sa ating panunaw kapag tayo ay kumain.

Mga kadalasang nagkakaroon daw ng sakit na ito ay mga babaeng nasa edad 40 na, o kaya naman ay mga taong masyadong nagmaamadali pumayat.

Paano mo malalaman na ikaw pala ay may sakit na tulad nito. may mga palataandaan daw na kapag may matinding pananakit sa kanang bahagi ng iyong katawan na parang umaakyat sa iyong balikat at malimit na mararamdaman kapag ang lagi mong pagkain ay matataba at pakiramdam na laging busog ang tiyan, puno ng hangin at parang masusuka.

Karaniwang pinapayo ng mga doktor ay ang isang operasyon ngunit malaking pera ang kakaylangin dito. ngunit may natural namang paraan para ito ay malinis, maalis ang mga bato at maging healthy ulit ang iyong apdo.

Marami sa atin ang nakaranas na nito kabilang na ako kaya gusto kong ibahagi sa inyo kung ano ang ginawa ko para ito ay magamot.

Ang mga kakaylanganin mo ay ang mga sumusunod:
  • isang tasang olive oil (dapat ay extra virgin olive oil) meron nito sa mga supermarket at medyo may kamahalan ang presyo.
  • isang tasang kalamansi o lemon (piniga) dapat ay pure lang.
  • isa o dalawang litrong apple juice (hindi pwede ung tinimpla lang) dapat ay ung apple juice talaga
  • isang straw hatiin sa dalawa para sa olive oil at kalamansi.
  • isang alarm clock (optional)


Mga Paghahanda at Pamamaraan:
  1. Gumising ng maaga sabihin na nating mga 7:00am. Mag almusal, maaari lamag kumain ng lugaw o kaya naman ay humigop lamang ng sabaw. pagkatapos kumain ay uminom ng isang basong apple juice. sa naranasan ko parang sumisikip lagi ang dibdib ko kapag umiinom ako nito. ewan ko lang sa inyo kung ganun din hehe.
  2. Tanghali 12:00nn - kumain ulit ng lugaw o  kaya naman ay humigo lamang ng sabaw (bawal kumain ng kahit na ano) pagkatapos ay uminom ulit ng isang basong apple juice.
  3. Hapon 5:00pm - ganon padin ang gawin.
  4. Gabi 6:00pm to 7:00pm - bawal ng kumain at uminom ng kahit ano.
  5. 7:00pm - gamit ang straw humigop ng kaunting olive oil at kalamansi.
  6. humiga ng nakatagilid sa kanang bahagi lamang at mag alarm ng kada 15-minuto sa alarm clock.
  7. ulitin ang pag inom sa kada tutunog ang alarm clock, (tandaan na dapat ay nakahiga lamang sa kanang bahagi, tumayo lamang kapag iihi)
  8. siguraduhing maubos ang lahat ng olive oil at kalamansi.
  9. kapag naubos ay simulan ng matulog.
Kinabukasan ay makakaramdam ka ng pananakit ng tiyan. pumunta ng banyo kapag ito ay lalabas na. mapapansin mo nay mga parang mga buo-buong butil na parang munggo o gems na nakahalo sa iyong dumi. ihanda ang sarili dahil ang pagdumi ay hindi isang beses lamang pwede mangyari kaya kung wala naman dapat gawin ay manatili lamang sa loob ng bahay.



Disclaimer: ang blog ko po na ito ay pagbabahagi lamang ng aking karanasan at bilang isang tulong mula sa taong nakaranas na. hindi ko po kayo hinihikayat na gawin o paniwalaan ang laman ng aking blog. ito ay para lamang magbigay ng magandang balita na pwedeng idulot sa inyong kalusugan gamit ang olive oil.



Kwentong Kambal

Marahil hindi naman kataka-taka na kapag kambal ang anak ay magkapareho ang kanilang mga gamit. pero kailangan ba talagang pareho sila, kung ano meron ang isa dapat ay meron din ang pangalawa.

Marami ang nagsasabi na dapat daw ay ganon ang dapat gawin dahil may mga pangyayari daw na nag-aaway sila dahil minsan  ay pinag-aagawan nila ang mga bagay. ang kadalasang ginagawa ng magulang ay pinag-iiba nila ang kulay pero parehong gamit padin tulad ng damit, sapatos at pati nadin sa mga laruan. 

May pamahiin daw na kapag ang nagbubutntis ay kumain daw ng kambal na saging ay magiging kambal ang magiging anak nito. para daw maiwasan ay dapat paghiwalayin ang saging sa kanyang likuran. pero gano ito katotoo? may mga makapag sasabi ba na ito ang paraan para magkaanak ng kambal?

Mga mga nagsasabi din na kapag ang anak niyo ay kambal, makapagdudulot daw ito ng swerte sa pamilya. hindi madali ang  magpalaki ng dalawang sanggol ng sabay pero bilang magulang nakapagbibigay ito ng saya sa kanila pati na sa mga kamag-anak.

Para sa mga nagbabalak nang bumuo ng pamilya, kung kayo ang papipiliin sa pagkakaroon ng anak ay kambal o hindi? ano man ang naisin nyo, kung ano ang nakalaan para sa inyo ay ipagpasalamat nalang sa panginoon. ang pagkakaroon ng anak ay malaking blessing na, pano pa kaya kung ito ay dalawa agad.

 ang aking ina at kanyang kakambal(tita)

isa pang litrato nilang dalawa

Ang Pagmamahal ng anak sa ina

Naranasan na ba ninyo na ang nanay nyo magkaroon ng malubhang mga sakit tulad ng cancer?

Napakasakit sa anak na malaman ang kanilang magulang ay may sakit na tulad nito, hindi mo alam kung ano ang dapat mong gawin para sila ay gumaling bukod sa mga standard way tulad ng pag papa-chemo na wala naman kasiguraduhan na bubuti ang kanyang kalagayan.

ang tanging magagawa lang natin ay lagi lang natin iparamdam na mahal na mahal mo sila at lagi tayo lalapit sa panginoon. ipagdasal na sanay ay gumaling sila at wala nang susunod pa na myembro ng pamilya ang magkaroon nito.

naisipan ko lang i-share ang kwentong ito. wala lang gusto ko lang sya isulat gusto ko lang malaman ng lahat na mahalin nyo ang inyong mga magulang habang sila ay nabubuhay pa at iparamdam na mahalaga sila sa inyo bago mahuli ang lahat. paminsan minsan ay sasamahan nyo ang inyong mga magulang. makipag kwentuhan kahit saglit lang, gumala sa malls, kumain sa labas. kumuha ng selfies at kung ano ano pa.

bilang isang anak ay gawin natin ang mga kaya nating gawin para sa kanila. hindi naman eto responsibilidad pero atleast alam nila na importante sila sayo.

i love you nay, mag iingat ka palagi. basta may kaylangan ka wag ka mahihiyang magsabi. magkwento ka ng kahit ano at makikinig ako, i-share mo lahat ng photos natin sa facebook at ila-like ko hehehe.

hanggang dito nalang at sana may napala kayo sa pagbasa nito. maraming salamat

ang aking ina with my two pamangkins :)

Ang Mahalimuyak na Cellphone

Hello guys kwento ko lang yung nangyari kahapon habang ako ay nasa banyo.

pagkatapos kong gawin ang dapat gawin (ang pagtae) ay nahulog ang cellphone ko at na-shoot sa inidoro.

pero syempre dahil sa katarantahan at wala nang oras para mag isip ay dali-dali kong dinakot wala pang limang sigundo ang lumipas at nilinis ang nangangamoy kong cellphone. maiyak iyak ako habang ito ay pinupunasan at habang nilalanghap ang mahalimuyak na amoy nito.

naisip ko na sana ay nakapag flush manlang ako bago ito nahulog..

pagkatapos kong linisin ay binaklas ko ang  cover sa likod, tinanggal ang sim pati na ang memory card at nananalangin na sana gumana pa ulit pagkatapos kong patuyuin.

dumaan ang isang buong araw at hindi ako mapakali sinubukan kong buksan ang medyo nangangamoy at mahalimuyak kong cellphone at swerte nga naman ito ay gumana pa. ang laking tuwa ko dahil halos limang buwan palang unit ko na yon at brandnew ko pa binili.

Moral Lesson:
Wag na mag bit-bit ng Cellphone sa banyo kung hindi naman ito kaylangan at lalo na kung may kamahalan para maiwasan ang mga di inaasahang pangyayari.

ayon tapos na hehe :)